Kung gusto mong mag relax at konting
excitement try mong pumunta sa enchanted kingdom sa south ng Manila. Kaso ang daming tao
kapag holidays o kaya weekends. Disneyland version ng Pilipinas pero palagay ko wala sa
kalingkingan ng Disneyland, located sa Sta. Rosa Laguna. Pag pumunta ka dun ang una mong
poproblemahin ay ang pambayad mo sa entrance P400 ang matanda tapos P250 ang bata sa
katulad naming can't afford e mabigat din yun pano kung 6 kayo sa pamilya wala pang
pagkain yun e bawal magbaon ng pagkain kaya mapipilitan kang bumili ng pagkain sa loob na
mahal din. Siguro sa susunod sa peryahan na lang ako pupunta hehehe. Sa aking pagkaka tanda eto yung mga rides doon. Grand
Carousel, Flying Fiesta, Rialto, Space Shuttle, Log Jam, Wheel of Fate, Condor, Up Up and
Away, Roller Coaster, Anchors Away, Dodgem, Stone Eggs, Air Pterodactyl, Swan boats, and
Bump n Splash ala na akong nakalimutan.
Bago ka pumasok check mo muna ang bag mo
baka me nakatagong pagkain maski tubig e d rin pwede depende na kung paanong tago ang
gagawin mo kung gusto mong makalusot. e marami kaming baon kaya ang ginawa namin e
chinibug muna namin lahat bago kami pumasok.
Dyarannn! Yehey nasa loob na kami ng enchanted
excited na ang lahat reding ready na sa mga rides.
"O nasaan yung dalawa nating kasama?"
"Nakapila pa yata teka antayin natin"
Pinatapon pa kasi yung tubig nilang dala kaya sila natagalan.
Pagkatapos ng ilang minuto.
"Bakit ang tagal nila?"
"Ewan ko teka tignan nga natin" Sinilip namin sila sa may gate at
nakita namin na ang isa sa kanila ay paikot ikot at pinagpapawisan na sa kadahilanang yung
kanyang tiket pala e nawawala.
"Saan mo ba nilagay"
"Dito ko lang naman nilagay yun e"
Mabuti na lang at may nakakita
ng kanyang tiket na nahulog at binalik sa kanya. Salamat naman at nakita din at kung hindi
malamang na umuwi siya ng luhaan hehehe.
Dyarannn!
Rides na tayo!!!
"Teka teka ano yan? Pila? bat ang haba haba ng pila?"
"Syempre Holiday ngayon kaya maraming tao kaya mahaba ang pila"
"Nyek! Sige na nga pwede na rin"
Aabutin ka rin ng 15 minutes hanggang 30 minutes sa pagpila. mas mahaba pa
ang pinila mo kesa sa isinakay mo sa mga rides.


|